Computer 101: Mga Tagubilin sa Paggamit ng Computer
Ang kompyuter ay isang makinarya na ginawang matalino upang magkalkula ng maraming bagay na mabilis, sakto, at sabay-sabay upang mapagaan, mapabilis at mapadali ang trabaho ng tao sa iba't-ibang bagay.
Ano ang computer hardware at software?
Ang computer hardware o hardware ay ang mga bahaging pisikal na bumubuo sa isang kompyuter. Kabilang sa mga bahaging ito ng nasasalat na katawan ng kompyuter ang CPU, monitor, keyboard, at mouse.
Ang software naman ay ang nagpoproseso ng pangkat ng mga utos na ipinarating natin sa pamamagitan ng hardware.
Kailangan ng software at hardware ang isa't-isa at hindi mo talaga sila magagamit kung wala ang isa. Sa madaling salita, ang software ang utak at ang hardware naman ang katawan ng isang kompyuter.
Anu-ano ang mga bumubuo sa kompyuter?
HARDWARE
System Unit- Nilalaman nito ang mga nagpapagana sa software.
Keyboard- Tipaan (ng kompyuter), isang set ng teklado na ginagamit sa pagpasok ng impormasyon sa computer.
SOFTWARE
Operating System- ang operating system o OS ay isang system software na responsable sa direktang kontrol at pamamahala ng hardware at mga pundamental na system operations. Nagbibigay din ito ng pundasyon upang makapagpatakbo ng application softwaregaya ng mga programang word processor at web browser.
Mga hakbang sa pagbukas ng kompyuter
Una, isaksak ang monitor at system unit. Pangalawa, hanapin ang power switch. Kadalasan ito ay matatagpuan sa parting harapan ng system unit. Ang pagpindot nito ang makapagpapagana sa isang kompyuter.
Pangatlo, hintaying tuluyang magbukas ang kompyuter.
Mga hakbang sa pagpatay ng kompyuter
Una, hanapin sa monitor o iskrin ang start button at pindutin ito.
Pangalawa, pindutin ang shut down.
Pangatlo, kung mayroon kang naiwan na nakabukas na program o nakabukas na document, ang mensaheng ito ang lalabas ss iskrin.
Dalawa ang maaari mong pagpiliang gawin.
Una, i-cancel at isara ang mga naiwang nakabukas na program o document at subukan ulit patayin ang kompyuter.
O ikalawa, pindutin ang force shut down, awtomaikong isasara ng kompyuter ang mga naiwang nakabukas ng program o documet nang hindi pa ito naka-save.









Comments
Post a Comment