Computer 101: Mga Tagubilin sa Paggamit ng Computer
Ang kompyuter ay isang makinarya na ginawang matalino upang magkalkula ng maraming bagay na mabilis, sakto, at sabay-sabay upang mapagaan, mapabilis at mapadali ang trabaho ng tao sa iba't-ibang bagay. Ano ang computer hardware at software? Ang computer hardware o hardware ay ang mga bahaging pisikal na bumubuo sa isang kompyuter. Kabilang sa mga bahaging ito ng nasasalat na katawan ng kompyuter ang CPU, monitor, keyboard, at mouse. Ang software naman ay ang nagpoproseso ng pangkat ng mga utos na ipinarating natin sa pamamagitan ng hardware. Kailangan ng software at hardware ang isa't-isa at hindi mo talaga sila magagamit kung wala ang isa. Sa madaling salita, ang software ang utak at ang hardware naman ang katawan ng isang kompyuter. Anu-ano ang mga bumubuo sa kompyuter? HARDWARE System Unit- Nilalaman nito ang mga nagpapagana sa software. Monitor - Ang monitor o iskrin ng kompyuter ay isang piraso ng kagamitang elektrikal na nagpapakita ng mga imahe...